From Left to Right: Mhy Espera, Christoper Baes and Maybelle Tagulao |
- Heto yung first ever picture ko with Mhy Espera after Maybelle Tagulao death. We came from the hospital that time. Di na namin inalintana yung pagod, ganun pala yun, pag may espesyal na taong nawala sayo, kaya lang, ganun nga siguro talaga, accept nalang talaga, kahit mahirap.
Naalala ko pa kung pano siya nawala, kung paano siya kinuha sa amin. I can still remember na ang unang balita sa akin ay may nasusunog daw malapit kila Maybelle. Sa totoo lang, di ako nag-panic dahil tiwala naman ako na walang mangyayaring masama sa kanya, sa anak at sa pamilya niya. Nagulat nalang ako nung sinabi nung kapitbahay namin, "Chris, si Maybelle daw, tinakbo ng ospital". Kinabahan ako. Akala ko, napaso o nahimatay lang siya, nang biglang bumalik yung kapitbahay namin at sinabi na wala na siya. Nanlambot ako bigla. Pinapunta ko agad si mama sa bahay nila Maybelle at dun nga, na-confirm na na wala na nga talaga siya.
Iyak ako ng iyak nung time na yun. Sigaw ako ng sigaw. Yun pa naman yung pinaka-ayaw niya. Naaalala ko pa, a week befre siya mamatay, nabanggit niya na "Ako, ayoko mamatay sa sunog". Pero yun parin yung sanhi ng pagkamatay niya.
I miss you so much Belle! 1 taon ka na naming hindi nakakasama ah. Mahal na mahal ka parin namin. Grabe, fresh na fresh parin talaga ang lahat! Don't worry Belle, tutuparin namin yung promise namin nung biniyagan si Bebe Girl, na tatayo kami bilang pangalawang magulang niya. I love you Belle!
-Christoper Baes Article